Nagpalabas ng guidelines ang lokal na pamahalaan ng Taguig City hinggil sa transportasyon sa lungsod sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) simula kahapon, Mayo 16.
Ayon sa Taguig City LGU’s, maaaring gumamit ng motorsiklo, bisikleta at e-bikes ang sinumang papasok sa trabaho o bibili ng mga pangunahing pangangailangan.
Gayunman, iisa lamang ang maaaring sumakay at hindi papayagan ang angkas.
Kinakailangan ding may suot na helmet, protective gear at masks ang mga riders at may dalang quarantine pass, company ID o certificate of employment.
Samantala, patuloy namang papayagan ang operasyon ng mga shuttle service para sa mga frontliners at empleyado ng mga kumpanya, establisyimento at industriyang maaari nang magbukas sa ilalim ng MECQ.
Mananatili namang bawal ang pagbiyahe ng mga bus, jeep, TNVS, taxi at mga railway system.