Hinirang ng Department of Health ang Taguig City bilang Best Implementor ng Non-Communicable Diseases and Prevention Control Programs.
Ayon kay Taguig City Health Officer Dr. Norena Osano, ang naturang pagkilala ay bunsod ng pagsisikap ng City Health Office at health workers sa pagpapatupad ng Non-Communicable Disease Program gaya ng diabetes, hypertension, at cancer.
Maliban sa nasabing parangal, nakatanggap din ang Lungsod ng Plaque of Appreciation bilang pagkilala sa suporta at kontribusyon nito sa iba’t ibang layuning pangkalusugan sa pagsasakatuparan ng Universal Health Care para sa mga mamamayan.
Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na lalo pa nitong pagbubutihin ang mga programang pangkalusugan para sa mga residente nito.