Kinilala ang Taguig City bilang nangungunang lungsod sa Metro Manila na nakiisa sa anti polio vaccine campaign ng Department of Health (DOH).
Ayon sa coverage assessment ng ahensya at ng World Health Organization (WHO), 96,866 na kabataan na may edad na 5 taong gulang pababa ang nabigyan ng oral polio vaccine sa Taguig City.
Dahil dito ay nakakuha ng 102 % rating ang syudad.
Ipinagmalaki naman ni Taguig City immunization program coordinator Jennifer Lou De Guzman ang tagumpay ng kampanya sa nabanggit na syudad.
Aniya, walang tigil sa pagta-trabaho ang kanilang mga doktor, health workers at volunteers para makamit ang kanilang target.
Matatandaang inilunsad ng DOH ang “sabayang patak kontra polio “ campaign matapos magdeklara ng polio out break noong nakaraang buwan.