Kasado na sa ikalawang bahagi ng taon ang pagsisimula ng konstruksyon ng Taguig Integrated Terminal Exchange Project.
Ang nasabing anim na palapag na gusali na itatayo ng Department of Transportation o DOTr ay inaasahang makakatulong para lumuwag ang trapiko sa EDSA.
Pinangunahan nina Transportation Secretary Arthur Tugade, DPWH Secretary Mark Villar, BCDA President Vince Dizon at MMDA Chairman Danilo Lim ang isinagawang ground breaking ceremony.
Ang Taguig ITX Project ay itatayo sa ilalim ng Build Build Build project sa tulong ng Ayala Corporation at magiging operational na sa taong 2020.
Bahagi ng naturang proyekto ang passenger concourse at centralized ticketing area na may business at retail establishments na maaaring makapag-serbisyo sa halos 160,000 pasahero araw-araw.
—-