Umakyat na sa 98,811 PCR test o katumbas ng 10.01% ng populasyon ang naisagawa na sa Lungsod ng Taguig.
Ito ang ipinagmalaki ni Taguig City Mayor Lino Cayetano bilang bahagi ng pinalakas na testing ng lungsod kontra COVID 19
As of January 8, the City has conducted 98, 811 PCR tests. With these numbers, we have already conducted PCR tests on 10.01 percent of our local population, making Taguig one of the most aggressive in COVID-19 testing in the country. The city also achieved its goal to test 10 percent of our total population by the end of the year 2020,” wika ni Cayetano.
Dagdag pa ni Cayetano, malaking tulong aniya sa kanila ang pagsasagawa ng massive testing sa lungsod lalo na nang maitayo ang kanilang sariling molecular laboratory.
Even though we have reached our target number of PCR tests conducted, the city vows continue its aggressive efforts to prevent further infection,” ani Cayetano. Kailangan maging agresibo sa testing, agresibo sa disease surveillance at agresibo sa pag-iingat para di tayo mahawa at di magkahawaan,” ani Cayetano sa kaniyang weekly report.
Sa kabila aniya ng mas pinaigting na testing sa Taguig, sinabi ng Alkalde na nananatili pa ring mababa ang naitala nilang kaso ng COVID 19 na pang apat sa Metro Manila.
Batay sa datos, nasa 19 lang ang active COVID cases sa lungsod mula sa 10,811 kabuuang kaso kung saan ay 10,612 ang naitala nilang recoveries habang 171 naman ang death toll ng lungsod.
We will keep working hard by keeping our case fatality rate low. Isang buhay ng isang Taguigeño na maisasalba natin sa pagiging maingat, sa pagpoprotekta sa seniors at may comorbidities, ito ay nananatiling pinakamataas na prayoridad natin, to keep our citizens safe,” ani Cayetano.
Samantala, ibinunyag ni Cayetano na handa na rin ang kanilang mga plano sa pamamahagi ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon sa Alkalde, naglaan na sila ng P13.5 bilyon sa kanilang 2021 budget para gamitin sa kanilang recovery plan.
Isang bilyong piso rito ani Cayetano ay gagamiting pambili ng bakuna sa lahat ng mga taga-Taguig maliban pa sa pondong magmumula naman sa National Government.