Inirekumenda ng tanggapan ng Ombudsman ang pagsasampa ng kaso laban kay Taguig City Mayor Lani Cayetano.
Ito’y makaraang ipad-lock ni Cayetano ang session hall ng Sangguniang Lungsod dahilan para hindi makapagsesyon ang mga konsehal.
Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio morales, nilabag umano nila Cayetano at OIC-City Administrator Jose Montales ang probisyon ng Revised Penal Code na humarang sa pagsasagawa ng pulong ng Sangguniang Panglunsod
Nag-ugat ang alitan sa pagitan ng alkalde at ng mga konsehal nang ilipat ang mga ito sa auditorium ng lungsod noong 2010.
Kasunod nito, ibinasura rin ng Ombudsman ang paliwanag ng alkalde na isasailalim sa re-engineering at re-organizational plan ang city hall kaya nito pinaalis ang mga konsehal.
Sinasabing hindi kasundo ni Cayetano ang mga konsehal kaya’t ginigipit umano niya ang mga ito.
By Jaymark Dagala | Jill Resontoc (Patrol 7)