Itinanggi ng Department of Education (DEPED) Taguig-Pateros Office ang umano’y maternity leave scam ng mga guro.
Ipinaliwanag ni Schools Division Superintendent Margarito Materum kay DEPED-National Capital Region (NCR) Director Wilfredo Cabral na hindi makapagbigay ng maayos na tugon ang kanilang tanggapan.
Ito’y dahil ang mga isyu ay pawang akusasyon lamang at walang anumang detalye upang suriin kung totoo.
Ang naturang isyu ay tumutukoy sa ilang gurong naghahain ng maternity leave ng hanggang limang beses sa isang taon upang makakuha ng benepisyo.
Ayon kay Materum, nakatitiyak siyang walang katotohanan ang naturang isyu.
Una nang inihayag ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na i-eendorso niya ang isyu sa legal division ng DEPED upang magsagawa ng imbestigasyon. - sa panulat ni Hannah Oledan