Ikinokonsidera ni Taguig-Pateros Representative at dating House Speaker Alan Peter Cayetano ang pagtakbo sa pagka-Presidente sa halalan 2022.
Aniya, wala umano siyang nariring mula sa mga potensiyal na kandidato hinggil sa laganap na E-sabong at online casino.
Ayon kay Cayetano, dapat na mayroong kandidato na Christ-centered at bible-based ang pamamaraan ng pagpapatakbo ng gobyerno.
Aniya, dapat na mayroong “faith-based at values-oriented choice” ang mga botante sa darating na eleksyon.
Gayunman, sinabi ni Cayetano na wala pa siyang pinal na desisyon kung anong posisyon ang kanyang tatakbuhan sa 2022 elections.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico