Kinumpirma ng Pangulong Rodrigo Duterte na may mga hinala na posibleng namahagi ng pondo ng Conditional Cash Transfer Program si dating DSWD o Department Secretary Judy Taguiwalo sa NPA o New People’s Army.
Lumutang di umano ang mga ganitong ispekulasyon bago pa man na-reject sa Commission on Appointments o CA si Taguiwalo.
Gayunman, binigyang diin ng Pangulong Duterte na wala siyang nakitang masama kung totoo man na namigay ng pondo ng CCT si Taguiwalo sa NPA dahil kabilang rin naman ang mga ito sa mahihirap na Pilipino.
Sinabi ng Pangulo na kabilang sa kanyang prinsipyo na huwag harangin o ipatigil kung ang ipinamamahagi ay pagkain o pang kabuhayan ng isang Pilipino.
Sa kabila nito, hindi rin naman isinatanbi ng Pangulo na kung totoong nakatanggap ng pondo ang NPA, may posibilidad rin na nagamit nila ito sa pakikipaglaban sa pamahalaan tulad ng pambili ng armas o bala.
By Len Aguirre