Ipinagmalaki ni Pangulong Benigno Aquino III ang tagumpay ng isang taong pagho-host ng Pilipinas sa 27th Asia Pacific Economic Cooperation Summit.
Ayon kay Pangulong Aquino, naipagpatuloy nila ang tagumpay bilang host sa pamamagitan ng paglalatag ng mga pundasyon sa pagpapalawak ng kalakalan at matatag na ekonomiya.
Nagpapasalamat din ang Pangulo sa kanyang mga kapwa APEC leader para sa pakikipagtulungan at positibong pananaw sa kanilang mga layunin.
Tiniyak naman ng punong ehekutibo na kanilang natalakay ang mga hamong kinakaharap ng pabago-bagong economic environment.
Ibinida rin ni Pangulong Noynoy Aquino ang mga kasunduan na pinasok ng Pilipinas at ilang member economy ng Asia Pacific-Economic Cooperation o APEC.
Ayon kay Pangulong Aquino, isang malaking oportunidad para sa Pilipinas na maging host ng 27th APEC Summit dahil naging daan ito upang mapalago ang ekonomiya ng bansa at mapatatag ang ugnayan nito sa international community.
Kabilang aniya sa mga napagkasunduan ay ang pagpapatatag ng kampanya kontra iligal na droga; defense at agriculture.
Ilan din anyang leader ang nagpahayag ng suporta sa Pilipinas para sa pagsali sa trans-pacific partnership.
Bukod dito ay inamin ng Pangulo na nalulugod siya sa pahayag ni U.S. President Barack Obama na i-tuturn over nito ang isa pang coast guard cutter at research vessels upang maiangat ang kapabalidad ng Philippine Navy.
By Drew Nacino | Aileen Taliping (Patrol 23)
Photo Credit: Malacanang Photo Bureau