Naghatid ng pag-asa at inspirasyon ang tinamong tagumpay ng Pinay na si Yuka Saso sa US Womens’ Open.
Ayon kay Senate President Protempore Ralph Recto, sa panahong ito na mataas pa din ang naitatalang kaso ng covid kada araw hatid anya ng pag-asa ang pagkapanalo ni Saso.
Nagbigay din anya ito sa atin ng inspirasyon na sa kabila ng handicap at ng peligro na ating kinakaharap, nakaya ni saso na lumaban at manalo.
Kasama na anya si saso sa mga Filipina frontliners pang poster girl ng ating battle cry na laban Pinas.
Nag-paabot naman ng pagbati si Sen. Joel Villanueva kay saso na kapwa nya bulakenyo.
Kahanga hanga anya ang tinamong tagumpay ni Saso bilang unang Pinoy na sa batang edad ay nanalo sa isa sa pinakamahirap na tournament sa mundo.
Ang tagumpay anya ni Saso ay isang good news na kailangan natin sa panahong ito.
Dapat anyang makapagbigay inspirasyon na malalampasan natin ang mga hamong kinakaharap sa ngayon ang pinakitang katatagang mental at physical stamina ni Saso. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)