Winelcome ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang mga foreign investigator na tututok sa serye ng umano’y extra judicial killings sa lalawigan kaugnay sa anti-drug war ng gobyerno.
Kasunod na rin ito nang taguri ng Amnesty International sa Bulacan bilang ‘bloodiest killing field’ ng bansa.
Gayunman, sinabi ni Fernando na mas pabor siyang hayaan muna ang mga provincial official na mag-imbestiga sa nasabing usapin.
Inihayag ni Fernando na mayroon naman silang sangguniang panlalawigan para imbestigahan ang usapin na sadyang nakakalungkot lalo’t kakaupo pa lamang niya sa puwesto.
Ipinabatid ni Fernando na itinakda niya ngayong araw na ito ang emergency meeting sa mga police official ng Bulacan para alamin ang lawak ng problema sa droga sa lalawigan at kaagad magpatupad ng mga hakbangin para maprotektahan ang karapatang pantao.