Binisita ng mga ahente ng NBI o National Bureau of Investigation ang bahay ni Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.
Ito ay pagsunod sa kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte na i-lifestyle check si Mabilog na sangkot sa illegal drug trade.
Sinabi ni NBI Western Visayas Regional Director Max Salvador na hindi na sila kumuha ng search warrant mula sa korte dahil mismong si Mabilog na ang nagbigay ng go signal para bisitahin ang kaniyang bahay.
Magugunitang inilarawan ng Pangulo ang bahay ni Mabilog bilang katulad ng Palasyo at ito ay malapit sa Iloilo river at katapat ng Esplanade na isa sa mga kilalang tourist spots sa lungsod.
Ang konstruksyon ng nasabing bahay ay mula umano sa kita ng maybahay ni Mabilog na si Marivic na isa sa mga may ari ng isang engineering firm sa Canada.
By Judith Larino
SMW: RPE