Naitala ang tahimik na pagbuga ng steam plume o singaw ng main crater ng Bulkang Taal ngayong umaga ng Biyernes.
Ayon sa PHIVOLCS, nagsimula ang pasulpot-sulpot na pagbuga ng singaw dakong alas-11 ng umaga ng Huwebes kasabay ng pagsisimula rin ng pag-ulan.
Wala namang naitalang volcanic earthquakes at infrasound sa Bulkang Taal mula ala-1 ng hapon, kahapon, Huwebes.
Pinawi naman ng PHIVOLCS ang pangamba ng publiko hinggil dito dahil inaasahan na anila ang mga ganitong uri ng pangyayari dahil nananatili pa rin namang nakataas sa Alert Level 2 ang bulkan.
Patuloy naman ang pagbabantay ng PHIVOLCS sa mga aktibidad ng Bulkang Taal.