Asahan pa rin ang maulap na papawirin na may manaka-nakang pagulan sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon.
Ito’y ayon sa PAGASA ay dahil sa pag-iral pa rin ng Northeast Monsoon o Hanging Amihan at tail end of a cold front.
Ayon sa weather bureau, ilan sa mga lugar na apektado ng maulang panahon ang katimugang Luzon, Bicol Region at Samar provinces.
Maliban sa mga pag-ulan, ibinabala rin ng pagasa ang may katamtaman hanggang sa may kalakasang ihip ng hangin na iiral sa kalupaan ng Luzon.