Ipinatupad na ng Taiwan aviation authorities ang airspace closure simula ngayong araw hanggang Agosto a-7.
Ito ay kaugnay sa aktibidad sa pagitan ng China at Taiwan.
Nagapag-alaman na ang lahat ng mga commercial flight na manggagaling sa iba’t-ibang bahagi ng mundo ay pinagbabawalan na dumaan sa airspace ng naturang mga bansa dahil sa patuloy na girian nito.
Gayunpaman, patuloy na mino-monitor ng mga Philippine carrier airlines ang aktibidad sa Taiwan-China border para sa tiyak na kaligtasan.
Tiniyak naman ng pamunuan ng Philippine Airlines (PAL) na ang kanilang biyahe na flight PR 890 at 892 na magtutungo at manggagaling sa Taiwan ngayong araw na ito ay tuloy sa kabila ng airspace closure sa Taiwan. – sa ulat ni Raoul Esperas (Patrol 45)