Taiwan Economy Minister nagbitiw sa tungkulin matapos ang malawakang blackout sa bansa
Nagbitiw sa tungkulin ang Taiwan Economy Minister Lee Chih-Kung matapos maranasan ang malawakang blackout sa nasabing bansa.
Kasabay nito ay humingi na rin ng paumanhin si Lee sa mga naapektuhan ng blackout at tiniyak na may mananagot sa insidente.
Ayon sa ulat ng Taiwan Central News Agency, anim na generator sa kanilang natural gas power plant ang nagkaroon ng technical error at tumigil sa paggana.
Dahil dito aabot sa mahigit 6.6 milyon ng mga tahanan ang naapektuhan ng blackout sa mga lungsod ng Taipei, Taichung at Tainan at sa tatlong iba pang probinsya sa Taiwan.