Inaprubahan na ng gobyerno ng Taiwan ang Remdesivir bilang gamot sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa Central Epidemic Command Centre ng Taiwan, kinilala umano ng Food and Drug Administration (FDA) ng nasabing bansa ang pagiging epektibo at ligtas ng naturang gamot na gawa ng Gilead Sciences.
Katunayan umano ay aprubado rin ang Remdesivir ng ibang bansa kung saan ginagamit na rin nila ito bilang panlunas sa mga pasyenteng may “severe” o malubhang kaso ng COVID-19.
Sa kasalukuyan ay wala pa ring aprubadong medikasyon o bakuna para sa COVID-19, ngunit ang ilang EU countries ay sinimulan ng gamitin ang Remdesivir sa kanilang mga pasyente sa ilalim ng maingat na panuntunan.
Pinayagan na rin ang paggamit ng Remdesivir sa Japan at United Kingdom kung saan sinimulan na itong ibigay sa mga pasyente.