Ipo-protesta ng Taiwan ang naging pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na dapat ay may basbas ang China kung ipapadeport o hindi ang Pinay caregiver na bumatikos sa Pangulong Rodrigo Duterte sa social media.
Inatasan na di umano ng Taiwan Ministry of Foreign Affairs ang kanilang kinatawan sa Pilipinas na maghain ng pormal na protesta sa misreprestation ng Taiwan bilang bahagi ng China.
Sa pahayag ni Taiwan Ministry of Foreign Affairs Spokesman Joanne Ou, binigyang diin nito na isang malaya at independiyenteng bansa na pinamumunuan ng kanilang mga halal na opisyal.
Kung igigiit anya ng pamahalaan ng Pilipinas ang pagpapadeport kay Elenal Orididor, dapat ay magsumite ito ng request sa pamamagitan ng agreement on mutual legal assistance on criminal matters na nilagdaan ng Taiwan at Oilipinas noong 2013.