Nag-donate ang Taiwan ng $200,000 o mahigit P11 million sa Pilipinas bilang tulong sa disaster relief operations matapos ang malakas na lindol sa Northern Luzon.
Personal na ini-abot ni Taipei Economic and Cultural Office in the Philippines o TECO Representative Peiyung Hsu ang donasyon kay Manila Economic and Cultural Office Chairperson Silvestre Bello III.
Sinaksihan naman ang hand-over ceremony ni Abra Governor Dominic Valera.
Ayon kay Hsu, nakiki-simpatya ang taiwan sa mga biktima ng lindol at nakikiramay sa pamilya ng mga namatayan.
Tiniyak naman ng kinatawan ng TECO na patuloy na makikipag-ugnayan ang Taiwan sa Pilipinas para sa disaster prevention and climate resilience.