Nagbigay ng donasyong 5.7 milyong piso ang Taiwan sa Pilipinas.
Para ito sa muling pagtatayo ng nasirang cultural at historical structures sa Vigan City, na naapektuhan ng magnitude 7 na lindol na tumama sa Northern Luzon noong July 2022.
Mismong si Taipei Economic and Cultural Office in the Philippines Representative Peiyung Hsu ang nagpadala ng tulong na tinanggap naman ni Vigan Mayor Jose Singson Jr. kasama ang iba pang konsehal at opisyal.
Nagpasalamat naman si Singson sa ibinigay na ito ng Taiwan.
Matatandaang batay sa huling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa 1.42 bilyong piso ang nasira ng lindol sa Ilocos Region kung saan naitala ang episentro sa Tayum, Abra.