Naghananap ng mga dayuhang english teachers at teaching assistants ang Taiwan.
Ito’y matapos ilunsad ng Ministry of Education (MOE) ng Taiwan ang Taiwan Foreign English Teacher Program (TFETP) bilang bahagi ng pagpapalawak ng kanilang recruitment program.
Layon nitong makalikha ng mas marami pang oportunidad sa trabaho sa mga primary at secondary schools habang target din nito na gawing secondary language ang english sa kanilang bansa simula sa taong 2030.
Tinatayang 450 teaching positions ang bubuksan sa mga pampublikong paaralan sa mga dayuhang guro ng ingles na magandang oportunidad din para sa mga pinoy.
Sa ilalim ng programa, nasa P115K ang magiging buwanang suweldo para sa mga english teachers sa taiwan.