Kanselado na ang biyahe ng mga eroplano maging ng mga barko sa Taiwan dahil sa inaasahang pagtama ng typhoon Talim.
Ayon sa ulat, ang bagyo ay inaasahang lalakas pa at malaki ang potensyal nitong maging isang supertyphoon.
Inaasahang babayuhin ng bagyo ang hilaga at hilagang silangan ng Taiwan sa lakas nitong nasa 137 kilometro kada oras at pabugsong aabot sa 173 kilometro kada oras.
Inaantabayanan pa sa ngayon kung isasara ng Taiwan ang kanilang financial markets at kung sususpindihin ang pasok sa mga trabaho at paaralan.
—-