Naghahanda na ang Taiwan para sa pagtama ng malakas na bagyo sa hilagang bahagi ng bansa.
Dahil dito, ipinasara na ang financial market at mga paaralan para sa kaligtasan ng mga residente.
Kanselado na rin ang maraming flight habang hindi na rin pinapayagang maglayag ang mga barko at mga mangingisda.
Ang Typhoon Mitag ay nasa ikalawang pinakamalakas na typhoon level na may maximum winds na 162 kilometer per hour at inaasahang mas lalakas pa habang papalapit sa kalupaan.