Nararamdaman na sa Taiwan ang typhoon Dujuan o bagyong Jenny na nasa PAR o Philippine Area of Responsibility.
Ayon sa Joint Typhoon Warning Center, taglay ng bagyong Jenny ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 231 kilometro kada oras.
Sa pagtaya ng weather officials sa Taiwan, posibleng mamayang gabi magla-landfall o tatama ang bagyong Jenny partikular sa east coast ng Taiwan bagamat may mga pag-ulan at malakas na ang hangin dito.
Magugunitang noong isang buwan ay hinagupit ng bagyong Hanna o may international name na Soudelor ang Taiwan kung saan 7 katao ang nasawi.
By Judith Larino