Nagpaabot ng pakikiramay ang Taiwan Government matapos maitala ang magnitude 6.8 na lindol sa probinsya ng Sichuan, China.
Ayon kay Taiwan First Female President Tsai Ing-Wen, handa silang tumulong at magpadala ng mga rescuer bilang tanda ng kanilang mabuting kalooban sa Beijing sa kabila ng ilang linggong tensyon ng mga militar.
Nabatid na nais ng China na mapunta sa kanila ang pamamahala sa Taiwan pero mariin itong tinututulan ng gobyerno ng Taipei kung saan, nagsasagawa na sila ng drills sa paligid ng isla.
Matatandaang binisita ni U.S. House Speaker Nancy Pelosi ang Taiwan noong nakaraang buwan na nagtulak sa China para sakupin ang Taiwan.
Samantala, umaasa si Tsai na mabilis makakabawi at makakabalik sa normal ang China sa tulong narin ng search and rescue at post-disaster recovery work.
Sa ngayon, sumampa na sa 65 ang bilang ng mga nasawi; 248 ang bilang ng mga sugatan; habang 12 naman ang patuloy pang pinaghahanap ng mga otoridad matapos ang pagyanig sa China.