Handang tumulong ang pamahalaan ng Taiwan sa mga nasalanta ng magnitude 7 na lindol sa Abra.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Silvestre Bello III, Chairman at resident Representative-designate of the Manila Economic and Cultural Office (MECO), na nagpaabot ng mensahe si Michael Pei Yung Hsu, Taiwan’s Ambassador, ukol sa mungkahi nitong pag-aabot ng tulong sa mga naapektuhan ng pagyanig.
Sinabi pa ni Bello na nagpapasalamat si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa tulong na nais ipaabot ng gobyerno ng Taiwan.
Gayunman, tinanggihan muna ito ng Punong Ehekutibo.