Puspusan na ang preparasyon ng Taiwan sa posibilidad ng pagsiklab ng digmaan sa gitna ng lumalaking banta ng pananakop ng China.
Kinumpirma ni Taiwanese Foreign Minister Joseph Wu na isa sa mga indikasyon ang ilang beses na pagpapadala ng China ng sangkaterbang military aircraft malapit sa airspace ng Taiwan.
Kahapon anya ay muling nagpadala ang China ng halos 60 fighter jets, na kinabibilangan ng mga bomber, malapit sa Taiwan kaya’t agad din silang nagdeploy ng mga fighter aircrafts.
Tiniyak ni Wu na sakaling humantong sa digmaan, handa nilang ipagtanggol ang kanilang bansa hanggang sa huli.
Samantala, suportado ng Taiwanese government ang kasunduan ng US, UK at australia na magpapalakas sa military capabilityng australian navyat inaasahang makatutulong upang depensahan din ang mga bansa sa Asia-Pacific Region, kabilang ang Taiwan.—sa panulat ni Drew Nacino