Nangangailangan ng mas maraming English Language Teacher ang Taiwan.
Hinikayat ng Taipei Economic and Cultural Office ang mga Pinoy na lumahok sa Foreign English Teacher Program sa pamamagitan ni TECO Representative Peiyung Hsu.
Ayon kay Hsu, ngayong taon lamang ay 77 guro at 11 teaching assistants ang nakapasok sa programa mula sa 6K aplikante.
Bumuo na anya ang Ministry of Education ng Taiwan ng programang magpapaunlad ng english proficiency ng mga Taiwanese student.