Inihayag ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) na nangangailangan ngayon ng mga guro sa Taiwan.
Ayon kay MECO Chairman Silvestre Bello, III na kailangan lamang ng resume, diploma at lisensiya mula sa Professional Regulation Commission (PRC).
Aniya, maaaring umabot ng hanggang 100,000 ang sahod ng mga guro sa nasabing bansa.
Maliban dito, pwede rin umanong mag apply ang mga bagong guro dahil tumatanggap sila ng kahit walang experience sa pagtuturo at wala rin itong age limit.
Samantala, sa mga interesadong mag-apply ay maaaring magpadala ng email sa MECO.
Bukod sa teachers, nangangailangan din umano ang Taiwan ng 800 factory workers.