Pumalag ang Taiwan sa naging pagbubunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang ‘Bamboo Triad’ ng Taiwan ang isa sa mga kumokontrol ng kalakalan ng iligal na droga sa Pilipinas.
Ayon kay TECO o Taiwan Economic and Cultural Office Chief Gary Song-Huann Lin, hiniling nila kay Pangulong Duterte na maglabas ng mga matibay na ebidensya at impormasyon hinggil dito.
Tiniyak din ni Lin na pursigido ang Taiwan na tumulong upang mapalakas at mapatatag pa ang kampaniya ng Administrasyong Duterte kontra sa iligal na droga.
Magugunitang inihayag ng Pangulo kamakalawa na maliban sa ‘Bamboo Triad’, kontrolado rin ng 14 K drug syndicate ng Hong Kong ang pagpasok sa bansa ng shabu na siyang ipinapadala naman sa iba’t ibang panig ng mundo.
SMW: RPE