Niyanig ng magnitude 5.9 na lindol ang Taiwan.
Ayon sa Taiwan Weather Bureau, may lalim itong 17.9 kilometers o katumbas ng 11.1 miles.
Naramdaman ang lindol sa Northern, Central at Eastern parts ng Taiwan.
Wala namang napaulat na pinsala matapos ang naganap na pagyanig.