Niyanig ng Magnitude 6.7 na lindol ang Taiwan.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naganap ang lindol dakong ala-una kwarenta’y uno (1:41) ng madaling araw kanina at may lalim na labing limang kilometro.
Wala namang naitalang pinsala sa naturang lugar at banta ng tsunami sa Pilipinas kasunod ng malakas na lindol.