(To be updated)
Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang siyudad ng Tainan sa bahagi ng Southern Taiwan alas-4:00 ng madaling araw, Sabado.
Ayon sa report, dahil sa lakas ng pagyanig ay may mga gusaling nag-collapse kabilang na ang isang residential building at pinangangambahang daang katao ang na-trap sa loob.
Patuloy ang isinasagawang rescue operations ng mga ahensya sa Tainan.
Sa pinakahuling ulat, sinasabing tatlo (3) na ang patay, habang isinugod naman sa pagamutan ang 154 iba pa.
Idinagdag din na wala nang kuryente sa mga tinamaang lugar.
Sa tala ng US Geological Survey, ang sentro ng lindol ay naitala sa 28 kilometro sa hilagang silangan ng bayan ng Pingtung.
(*Photo Credit: @AP)
Filipinos
Samantala, nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs (DFA), sa mga otoridad sa Taiwan, kasunod ng pagtama ng magnitude 6.4 na lindol doon.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Charles Jose, kanila pang inaalam kung mayroong Pilipinong nadamay sa lindol.
Patuloy din aniya ang kanilang pakikipag-usap sa mga tauhan ng Manila Economic and Cultural Office o MECO, para sa updates.
Mayroong 120,000 Pilipino sa Taiwan, at karamihan sa mga ito ay factory workers.
By Katrina Valle