Sinuspinde ng Taiwan ang lahat ng ‘visa applications’ ng lahat ng Chinese nationals mula sa Hubei Province na tutungo sa kanilang bansa.
Ito ay kasunod ng outbreak ng novel coronavirus 2019.
Ayon sa Center for Disease Control and Prevention ng Taiwan, hindi pwedeng pumasok ang lahat ng mga naninirahan sa Hubei province.
Anila, kailangang magsagawa ng “self health management” sa loob ng 14 na araw ang mga Chinese nationals na tutungo sa bansa para sa business trips.
Inaasahan namang lubos na maapektuhan nito ang pag aaral ng mga Chinese students na nag aaral sa Taiwan.