Ibinanta ng Taiwan ang pagsasagawa ng counter-attack sa oras na tuluyang pumasok sa kanilang teritoryo ang Chinese armed forces at warships.
Sa gitna ito ng nagpapatuloy na military drills ng China na isinasagawa sa palibot ng isla.
Ayon kay Major General Lin Wen-Huang, Director of Operations and Planning Division, mapipilitan silang magsagawa ng self-defense at pag-atake ng walang exception upang maprotektahan ang kanilang bansa.
Noong Martes unang nagpakawala ng warning shots ang Taiwan sa drone ng China.
Gagamit na rin ng naval, air forces at coastal fire ang Taiwan para harangin ang Chinese People’s Liberation Army Forces na papasok 24 nautical mile o 12 nautical mile zones ng isla.