Humingi ng paumanhin ang isang istasyon ng telebisyon ng Taiwan matapos magsanhi ng panic sa publiko, makaraang ipahayag ang maling alerto na nagsasabing naglunsad ng mga pag-atake sa isla ang China.
Sa report ay naalarma ang mga tao matapos maglabas ng ilang mga alerto sa balita ang Taipei-based Chinese Television System (CTS), na tinamaan ng mga guided missiles ng communist army ang mga sasakyang pandagat at nasira rin umano ang mga pasilidad at barko sa daungan ng Taipei.
Nabatid na ang 23 milyong residente ng Taiwan, ay nabubuhay sa ilalim ng patuloy na banta ng pagsalakay ng China, kasabay ng pagsalakay ng Russia sa Ukraine.