Nanggagalaiti ang Taiwan sa mga banat ng China sa bagong presidente nitong si Tsai Ing-Wen.
Ayon sa Democratic Progressive Party, ang partido ni Tsai, deskriminasyon ang mga komento ng Beijing laban sa kauna-unahang babaeng pangulo ng Taiwan.
Sinabi kasi ng isang Chinese official na emosyunal at “extreme politics” ang ipinapakita ni Tsai dahil sa pagiging babae nito.
Apektado rin umano ang pamumuno ni Tsai dahil sa pagiging single nito o walang asawa at anak.
Tinawag ng mga netizens sa Taiwan na sexist ang komento ng Chinese official.
Nabatid na hindi pabor ang Beijing kay Tsai bilang pangulo ng Taiwan dahil sa pro-democracy na idolohiya nito.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: Tyrone Siu/Reuters