Nananatiling tahimik si US House Speaker Nancy Pelosi hinggil sa kung bibisita ito sa Taiwan o hindi.
Kahapon, nagsimula nang bumyahe sa Asya si Pelosi at nakatakdang bisitahin ang mga bansang kaalyado ng Amerika na kinabibilangan ng Japan, Singapore, South Korea at Malaysia.
Ilang mambabatas naman ang kasama ng US House Speaker sa kanyang pag-iikot sa Asya.
Una nang nagpahayag ng mariing pagtutol ang Chinese Government sa plano ni Pelosi na magtungo sa taiwan dahil sa posibleng impluwensiyahan nito ang nabanggit na bansa na itinuturing ng China na nasa ilalim ng kanilang teritoryo.
Matatandaan na taong 1997 nang huling bisitahin ni US House Speaker Newt Gingrich ang Taiwan.