Naglunsad ng live-fire exercises ang Taiwanese Forces bilang paghahanda sa posibleng pananakop ng China.
Naganap ang nasabing military exercise sa gitna ng agawan ng China at Taiwan sa air routes habang patuloy ang paglobo ng bilang mga pasaherong magsisipag-bakasyon para sa Lunar New Year.
Isinagawa ng Taiwanese forces ang kanilang live-fire drill sa lungsod ng Hualien sa strait of Taiwan kung saan ilang attack helicopters at F-16 fighter jets ang nagpakitang gilas sa pagtatanggol sa kanilang bansa.
Ang strait of Taiwan ang tanging anyong-tubig na naghihiwalay sa isla ng Taiwan sa mainland China.
Karaniwang isinasagawa ang annual military drill bago mag- Lunar New Year holiday upang ipabatid sa publiko ang kakayahan at kapabilidad ng Taiwan sa pagtatanggol sa kanilang soberanya.