Itinuloy pa rin ni Taiwanese President Tsai Lang-Wen ang pagbisita sa Amerika sa kabila ng babala ng China.
Si Tsai ay dumating na sa Amerika para sa apat na araw na pagbisita nito sa nasabing bansa.
Hindi naman tinukoy kung magiging bahagi ng pagbisita ni Tsai ang pakikipagpulong sa mga opisyal ng White House.
Kabilang sa bibisitahin ni Tsai ang mga miyembro ng Taiwanese community sa New York.
Nilinaw naman ng US State Department na kahit tinutulungan nito ang Taiwan, walang pagbabago sa kanilang posisyon sa ‘One China Policy’ at opisyal nitong kinikilala ang Beijing at hindi ang Taipei.