Mahigpit na pag-aaralan ni incoming Department of Interior and Local Government o DILG Secretary Eduardo Año ang kampanya ng Philippine National Police (PNP) kontra iligal na droga.
Binigyang diin ni Año na nais niyang itaas ang morale ng mga pulis na binabatikos dahil sa isyu ng extra judicial killings o EJK’sna idinidikit umano sa war on drugs ng gobyernong Duterte.
Sinabi ni Año na mananatiling PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency ang lead agency ng gobyerno laban sa iligal na droga.
Inamin ni Año na pawang maliliit lamang na pangalan ng mga sangkot sa illegal drugs ang nahuhuli ng PNP kaya’t puspusan ang dapat na maging pagkilos para mapanagot din ang malalaking isda sa illegal drug trade.
Nakatakda rin aniya siyang makipag pulong sa ilang local officials para kunin ang kanilang inputs sa ibat ibang isyu na nakapaloob sa local governance.
By Judith Estrada – Larino