Naniniwala si FDA Director General Eric Domingo na tama lang ang presyo ng mga bakuna kontra COVID-19.
Ito’y batay sa datos na inilabas ni Senate Committee on Finance Chairperson Sonny Angara kung saan makikita ang estimated price ng mga dine-develop na bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Domingo sa tingin niya ay totoo ang mga presyong ito dahil maging ang World Health Organization aniya ay target na makakuha ng doses na mababa sa $10 kada bakuna na lumalabas na hindi hihigit sa P500.
Dagdag pa ni Domingo marami rin naman aniyang vaccine manufacturers ang nangakong magiging prayoridad ang pamamahagi ng bakuna sa iba-ibang bansa bago ang kumita mula sa mga ito.