Ramdam pa rin umano ng mga pasahero partikular ng mga Overseas Filipino Workers o OFW’s sa mga paliparan sa kalakhang Maynila ang ‘stigma’ o takot sa tanim-bala modus.
Dahil dito, binabalot pa rin ng mga ito ng plastik ang kanilang mga bagahe, hand carry man o check-in luggage.
Maging ang mga dayuhan ay hindi pinapayagang mahawakan ng sinuman ang kanilang mga gamit upang hindi mabiktima ng anumang modus operandi.
Ayon sa PNP Aviation Security Group, bumaba ang bilang ng mga nahuhulihan ng bala sa paliparan mula noong Enero ng taong kasalukuyan.
Gayunman, muling pinaalalahanan ng mga awtoridad ang mga pasahero na huwag magdala ng mga bawal na gamit, tulad ng bala upang makaiwas sa abala.
By Jelbert Perdez | Raoul Esperas (Patrol 45)