Panahon na muling pag-isipan at pag-aralan ang taktika ng pamahalaan sa pag laban sa illegal drugs.
Mungkahi ito ni Senador Panfilo Lacson makaraang punahin ng apatnaput limang (45) mga bansang kasapi ng United Nations Human Rights Committee na may mali sa giyera kontra droga ng Duterte administration.
Ayon kay Lacson, pinatutunayan lamang nito na walang shortcut na paraan para solusyonan ang problema sa illegal drugs.
Kasabay nito ay iminungkahi rin ni Lacson ang pagpapatupad ng giyera kontra droga na walang hinahabol na deadline upang hindi ito maabuso ng mga pulis.
By Len Aguirre |With Report from Cely Bueno