Mainit ang naging talakayan ng world leaders sa isyu ng terorismo sa katatapos na ASEAN Summit.
Gayunman ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, hindi niya maaaring isapubliko ang iba pang detalye ng kanilang napag – usapan dahil na din sa mga maselan na impormasyon kaugnay sa isyu.
Dagdag pa ni Pangulong Duterte, nagsagawa rin sila ng mga confidential meeting kung saan maraming bagay ang kanilang napagkasunduan upang matugunan ang problema sa terorismo.
Isa na dito ang patuloy na pagpapalakas sa depensa ng mga bansa na nasa ASEAN region upang labanan ang anumang tangkang pag – atake ng mga teroristang grupo.