Naging mainit ang talakayan ng mga kandidato sa pagka-pangalawang pangulo sa isinagawang PiliPinas Debates 2016 kahapon.
Ginawa ang debate sa Quadricentennial Hall ng University of Sto.Tomas o UST sa pangunguna ng CNN Philippines, Business Mirror at online news site na Rappler.
Sa pambungad na pananalita, unang binanatan ni Senador Alan Peter Cayetano ang kapartido ngunit katunggaling si Senador Bongbong Marcos.
AUDIO: Senator Alan Peter Cayetano
Sa panig naman ni Senador Francis Escudero, binigyang diin nito ang pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay at walang pinipiling liderato sa ilalim ng kanilang tambalan ni Senadora Grace Poe
AUDIO: Senator Francis Escudero
Pagsusulong naman ng pagkakaisa, kapayapaan at seguridad ang tututukan ni Senador Gringo Honasan ng partidong United Nationalist Alliance o UNA,
Isang gobyernong hindi pamumulitika lamang ang inaatupag ang naging pambungad naman ni Senador Bongbong Marcos.
Ngunit bago pa man magsimulang magsalita ang senador, pansamantala siyang nahinto dahil sa mga heckler na nakapasok sa venue ngunit agad naman itong pinaalis.
AUDIO: Senator Bongbong Marcos
Isang gobyernong nakikinig naman ang ini-alok ni Liberal Party bet at Camarines Sur Rep. Leni Robredo.
AUDIO: Congresswoman Leni Robredo
At panghuli si Senador Antonio Trillanes IV na naniniwala sa sariling kakayahan.
AUDIO: Senator Antonio Trillanes
Cayetano vs Marcos
Maanghang ang naging sagutan nila Senador Alan Peter Cayetano at Bongbong Marcos sa vice presidential edition ng PiliPinas Debates 2016 kahapon.
Ipinunto ni Cayetano ang mga umano’y nakaw na yaman ng pamilya Marcos.
Inusisa rin ni Cayetano ang pagkakasangkot ni Marcos sa kontrobersyal na pork barrel fund scam.
AUDIO: Senator Alan Peter Cayetano
Buwelta naman ni Marcos, pawang walang basehan ang mga numerong ipinaparatang ni Cayetano at sinabing namumulitika lamang ito.
AUDIO: Senator Bongbong Marcos
By Jaymark Dagala
Photo Credit: Business Mirror