Ikinabahala ng pamahalaan ng United Kingdom (UK) ang dumaraming ulat ng pagbebenta ng pekeng bakuna sa ilang bahagi ng Britanya.
Paglilinaw ni Vaughan Gething, Minister for Health sa Wales na libre ang pagbabakuna sa bansa at kailanman ay hindi manghihingi ang National Health Service (NHS) ng bayad at mga detalye gaya ng bank account.
Giit pa ni Gething na hindi ibabahay-bahay ang distribusyon ng bakuna ng kahit sinong ‘di nagpapakila bilang staff ng NHS.
Ibinabala ito ni Gething matapos lumaganap ang mga ulat ng pangloloko sa mga matatanda at ilang vulnerable na bibigyan umano ito bakuna kapalit ng salapi o bayad.
Samantala, tinatayang higit 81,000 na ang naitalang namatay sa UK dulot ng COVID-19.—sa panulat ni Agustina Nolasco