Lumalala na umano ang cybercrimes at kapag hindi ito kaagad natugunan ay posible itong magdulot ng malaking security risk.
Ayon kina Roland Aguto, hepe ng NBI Cybercrime Division, at Senior Inspector Levy Lozada, Hepe ng PNP Anti-Cybercrime Group at Digital Forensic Laboratory, tumataas ang bilang ng mga nabibiktima ng krimen na gamit ang internet.
Paliwanag ni Aguto, mahirap labanan ang cybercrime lalo pa’t kulang sa training ang mga hukom at mga piskal ukol sa Cybercrime Law.
Kabilang sa mga itinuturing na cybercrime ay ang espionage, cyber activist gaya ng pagsira o pag-hack sa mga government website, at cyber business.
Sinabi naman ni Stephen Cutler, isang retired officer ng Federal Bureau of Investigation o FBI, maaari ring isabotahe ang mga serbisyo sa tubig, pagkain, at himpapawid sa pamamagitan ng computer-aided programs.
By Jelbert Perdez