Inanunsiyo ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang inaasahan nitong pagdami ng insidente ng pandurukot at iba pang krimen sa mga isinagawang ng political rallies, ngayong nagsimula na ang campaign period para sa mga lokal na posisyon.
Ayon key NCRPO Public Information Chief Police Lieutenant Colonel Jenny Tecson nagtalaga na ng mga otoridad upang masugpo ang mga krimen at sa kasalukuyan ay maayos naman ang pagsasagawa ng mga aktibidad sa pangangampanya.
Nabatid naman na halos 4K pulis ang itinalaga sa NCR para sa pagsiguro ng maayos na kampanya.
Matatandaang may mga naiulat na pagkawala ng mga gamit kagaya ng cellphone at wallet sa ilang mga dumalo sa campaign rallies ng mga kandidato sa national positions. – sa panulat ni Mara Valle